Miyerkules, Marso 15, 2017

Ang Aking Repleksiyon




Ang Aking Repleksiyon



    
 







Lahat ng bagay ay may tamang panahon at oras upang ito’y magaganap. Mayroon naman ding nararapat na tao na siyang mas naa-angkop o ‘di kaya’y mas nababagay para sa mahalagang bagay na ito. Ang  importanteng bagay lamang na ating tatandaan ay, kinakailangang marunong tayong humintay ng tamang panahon at pagkakataon. At habang matiyaga tayon naghihintay, gamitin natin sa tama ang ating mga oras para sa paggawa ng mga mabubuting bagay.


Pagpaplano para sa masagana at maunlad na kinabukasan ay, isa sa mga mabuting bagay na nanararapat gawin ng buong sambayanan ditto sa ating mundong ginagalawan. At kung ito’y ating buong pusong magagampanan, tiyak na unti-unting mawawakasan ang tinatawag nating maagang pagpapakasal at maagang pagbubuntis o mas kilalasa tawag na early marriage and teenage pregnanacy.

Bilang isang ganap na estudyante, nararapat nating isa-puso, ugaliin at patibayin ang magandan gkinabukasan at hindi ang maling nakaasanayan. Ngunit, paano ba natin ito magagawa o magagampanan? Paano nga ba kaya?


     Alam naman nating lahat na mas makakabuti para sa bawat estudyante kung pagtiyagaan muna ang pag-aaral bago gumawa ng sariling pamilya. Sapagkat sa pag-aaral, maraming mga leksiyon ang talagang makukuha at higit sa lahat ay magagamit natin sa buong buhay natin. At sa pamamagitan ng iba’t-ibang leksiyon na ating natutunan sa ating silid-aralan, mas magiging maingat pa tayo sa mga gagawing aksiyon. Higit sa lahat ay mas magiging handa pa tayo sa pagharap at buong pusong paggawa ng ating mga responsibilidad, sa kapalaran na ating kakaharapin balang araw.


     Propesyonal, mag-aaral  at ang mga tao na nasa lipunan lagi nating tatandaan na sa bawat kilos o aksiyon na ating gagawin ay may ka-akibat ito na responsibilidad. Responsibilidad na dapat alam natin sa sarili natin at responsibilidad na buong pusong gagampanan natin.

Huwag natin mamadaliin
Mga bagay na di pa para sa atin.
Nang sa ganon ay mararanasan natin
Ang masaganang kinabukasan na para saatin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento