Ang Aking Repleksiyon
![]() |
Lahat ng bagay ay may tamang panahon at oras upang ito’y magaganap. Mayroon naman ding nararapat na tao na siyang mas naa-angkop o ‘di kaya’y mas nababagay para sa mahalagang bagay na ito. Ang importanteng bagay lamang na ating tatandaan ay, kinakailangang marunong tayong humintay ng tamang panahon at pagkakataon. At habang matiyaga tayon naghihintay, gamitin natin sa tama ang ating mga oras para sa paggawa ng mga mabubuting bagay.
Pagpaplano para sa masagana at maunlad na kinabukasan
ay, isa sa mga mabuting bagay na nanararapat gawin ng buong sambayanan ditto sa
ating mundong ginagalawan. At kung ito’y ating buong pusong magagampanan, tiyak
na unti-unting mawawakasan ang tinatawag nating maagang pagpapakasal at maagang
pagbubuntis o mas kilalasa tawag na early marriage and teenage pregnanacy.
Bilang isang ganap na estudyante, nararapat nating
isa-puso, ugaliin at patibayin ang magandan gkinabukasan at hindi ang maling
nakaasanayan. Ngunit, paano ba natin ito magagawa o magagampanan? Paano nga ba
kaya?
Alam naman nating lahat na mas makakabuti
para sa bawat estudyante kung pagtiyagaan muna ang pag-aaral bago gumawa ng
sariling pamilya. Sapagkat sa pag-aaral, maraming mga leksiyon ang talagang makukuha
at higit sa lahat ay magagamit natin sa buong buhay natin. At sa pamamagitan ng
iba’t-ibang leksiyon na ating natutunan sa ating silid-aralan, mas magiging maingat
pa tayo sa mga gagawing aksiyon. Higit sa lahat ay mas magiging handa pa tayo sa
pagharap at buong pusong paggawa ng ating mga responsibilidad, sa kapalaran na ating
kakaharapin balang araw.
Propesyonal, mag-aaral at ang mga tao na nasa lipunan lagi nating tatandaan
na sa bawat kilos o aksiyon na ating gagawin ay may ka-akibat ito na responsibilidad.
Responsibilidad na dapat alam natin sa sarili natin at responsibilidad na buong
pusong gagampanan natin.
Huwag
natin mamadaliin
Mga bagay
na di pa para sa atin.
Nang
sa ganon ay mararanasan natin
Ang masaganang
kinabukasan na para saatin.