Martes, Pebrero 21, 2017

Mabuhay ang Estudyanteng Pilipino

Sakripisyp, Sakripisyo, Sakripisyo
'yan ang bagay na 'di natin maitago.
Dahil kahit na mundo man ay gumuho,
babangon parin tayo at 'di susuko.
'Yan ang tunay na Esudyanteng Pilipino!

Mahirao man ang ipagawa ng guro,
kailangang gawin parin natin ito.
Marami mang mga pagsubok ang dadako,
kailangang maging matibay lang tayo.
At huwag tayong magpapaapekto!

Ninanais man natin ang sumuko
subalit, dahil may mga pangarap tayo,
iisa lang ang salitang na-aangkop dito.
At ito ay ang lalaban talaga tayo.
Simula sa umpisa hanggang sa dulo!

Bilang isang estudyanteng Pilipino
kailangang magsikap talaga tayo.
Kaya tiyaga at determinasyon mo,
ang higit na kinakailangan dito.
Tungo sa buhay na ma-asenso!